Skip navigation

Kagagaling ko lang ngayon sa baranggay hall dito sa amin. Meron kasing pa-bingo (for a cause) ang pinsan kong konsehal. Di sana ako pupunta pero narinig ko na pwera sa isang kaban na bigas na premyo sa unang bingo game ay merong digicam/videocam din na pwedeng mapanalunan sa blockout game(active listening skills in action). So nagpunta ako kasi inisip ko na “pag nanalo ako ng bigas ay pwede kong ibenta ng P1,500 para maidagdag ko sa pusta ko sa tatlong manok (breeding ko) na isasali ko sa 3-cock derby dito sa amin sa 25th at pagnanalo naman ako ng digicam/videocam ay magiging pinaka masaya akong tao sa amin dahil mabi-bidyo ko na rin sa wakas ang mga kawalang hiyaan ng mga kaibigan ko”. hehehe

Naisip ko rin na P30 lang naman ang isang bingo card at parang pangit naman kung di ko susuportahan ang pinsan ko sa hangarin nyang makatulong sa mga kapos dito sa amin.

Ayon, nagpunta nga ako.

Ayokong magpaka-plastik at sabihin sa inyo na nagpunta ako para makatulong kundi nagpunta ako doon para manalo, yun po ang totoo!

Pagdating ko sa venue at bibili na sana ako ng bingo card(actually, 300+ ang dala kong pera), sabi ng kalihim ng aming baranggay sa akin, “Jubert pira na card it im paliton?” (Jubert, ilang card ang bibilhin mo?) bigla akong napatigil at nag-isip. Sabi ko sa sarili ko, “kung uubusin ko ang pIra ko sa bingo card MAHIRAP kasi di naman sigurado na mananalo ako. Sa sabong nga na dalawa lang ang pag pipilian e mahirap pang manalo, ito pa kaya?” Atsaka ‘HELLO‘ ang hirap kayang mag bantay ng sampung bingo cards kung mag isa ka lang.” Kaya sabi ko sa kalihim ng aming baranggay ay bibili lang ako ng isa para pampalipas oras(kunwari).

Ayon, pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na ang pa-bingo!

Sa totoo lang, excited kaya akong maglaro kasi sa katunayan ay di pa talaga ako nakakapag laro ng bingo at kung nakapaglaro man ako e baka toddler pako noon kaya nakalimutan ko na. (Okay talga ang blog kasi nakakapag sabi ka ng totoo, ano? hehehe) Pero syempre, di ko sinabi sa kanila yun na ‘virgin’ pako sa ganitong larangan kasi baka lokohin lang ako at pagtawanan ng mga hinayupak na mga kaibigan ko sa aming barangay.

So yun, nagsimula na nga ang laro.

Puro numero at nakakalokang adlib ang aking narinig na sa totoo naman e minsan nakakatawa rin. Sabi ko sa sarili ko, “Totoo nga at di ako inuuto(para magpunta) ng pinsan ko kanina ng sabihin nya sa akin na mag e enjoy ako!”

Nga pala, sa oras na yun e alam ko na ang mekaniks ng laro. Kailangan lang palang punuin yung mga numero na nasa card ko(Ay sus, ang dali lang naman pala! hehe)

Yung unang apat na nabunot ng anawnser e meron ako at para bang nagtakbuhan ang lahat ng daga sa loob ng dibdib ko! Sabi ko sa sarili ko, “Aba, e mukhang swerte nga!” (FAST FORWARD ang haba ng storya eh! hehehe)

Pero doon na talga ako NASARAPAN sa larong ‘BINGO’ noong ta-tatlo na lang ang kulang sa card ko at mapapa sa akin na ang digicam/videocam. Aaminin ko na sa mga panahon na ito ay medyo nangangati na rin ang aking mga kamay. Di pa naman namumuro PERO malapit na.

Mga anim pa na numero ang nabanggit kaso wala sa card ko ang mga lintik na numerong yun at biglang nagkagulo.

Sa totoo lang, akala ko kung ano na ang nangyari sa kanila. May naka BINGO na pala! hehehe

Sa banda ko ay meron din panghihinayang pero ano ang magagawa ko e natalo ang card ko?! Alangan naman na magwala ako doon!

Gawa na rin siguro ng panghihinayang atsaka sa inis ko na rin na tatlong numero na lang ang kulang e di ko na binalik ang bingo card at dali-dali akong umuwi ng walang paalam(di naman ako naiyak). Alam nyo kung bakit? Naisip ko kasi na i-share ang karanasan kong ito dito sa blog ko at ayoko rin na magtagal doon kasi baka makuha pa ang bingo card ko at makalimutan ko pa ang ideyang saksakan ng likot sa isip ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: